Tunkol sa Integrity Asia

Noong 2001, itinatag ni Edouard Helfand ang Integrity Indonesia, isang kumpanya na nakatuon sa pagsisiyasat at pagtuklas ng mga uri ng katiwalian o pandaraya. Dahil na rin sa kakayahan ng organisasyon, ang Integrity Indonesia ay mabilis na nakilala bilang isang pinuno sa industriya.

Sa patuloy na pagtaas ng pangangailangan ng background check, ang Integrity Indonesia ay bumuo ng isang dalubhasang departamento para sa background screening. Sa pagseserbisyo nito sa Timog Silangang Asya, ang Integrity Asia ay nagtatag ng mga tanggapan sa Malaysia at Thailand.

Ang aming salawikain – Prevention, Detection, Investigation – ay sumasalamin sa detalyado at komprehensibong stratehiya ng organisasyon alinsunod sa pinakamataas na antas ng pamantayan ng kalidad.

Bisyon

Maging pangunahing tagapaghatid ng serbisyo sa larangan ng corporate risk prevention, detection at imbestigasyon sa Asya.

Misyon

Mabigyan ang aming mga kliyente ng pinaka-epektibo at maaasahang serbisyo sa risk mitigation sa pamamagitan ng aming lokal na kadalubhasaan na may pinakamataas at pang-internasyonal na pamantayan sa integridad.

Ang
aming
kopohan

Ang aming solidong koponan ay binubuo ng mga office screener, field screener, business development executive at mga key account executive. Sila ay nakatuon sa pagbibigay ng mabilis na pagtugon at maaasahang solusyon sa screening. Pinahahalagahan namin ang suporta, pagkadalubhasa at kasanayan ng aming koponan sa paghawak ng bawat kahilingan ng mga kliyente na may lubos na paggalang at pinakamataas na integridad. Upang patuloy na mapabuti ang aming mga serbisyo, sinusuri ng aming koponan ang inyong mga pangangailangan at isinasaalang-alang ang inyong mga puna.

Ang buong koponan ng Integrity Asia ay handang makipag-ugnayan sa mga kliyente upang matulungan silang pumili at idisenyo ang pinaka-angkop na employment background check partikular sa kanilang industriya at lokasyon.

Ang aming mga lokasyon